|
Kasaysayan ng Barangay Talaba
Noong unang panahon na kakaunti pa ang naninirahan sa lugar na ito ay may mga uri ng hayop na naka dikit sa mga bato at mga puno ng sasa na dito lamang matatagpuna sa lugar na ito. Minsan ang magkakapatid na Simeona Mangaba ay namasyal sa lugar na ito na maraming talaba. Marami silang nakitang tao na nangunguha ng mga ito at pagkatapos ay inu-uwi sa kani-kanilang bahay. Niluto nila ito sa mainit na tubig at habang niluluto ito ay kusang bumubuka . Ina-alis ang balat sa laman at pagkatapos ay ina-asiman ng kalamansi at nang ito ay kinain na nila ay pakiwari nga ay napakasarap kainin. Inalok sila na tikman ang kanilang kinakain. Hindi nakatiis at nagtanong si Simeona Mangaba kung ano ang pangalan ng kinain nila, hindi ito sinabi sa kanila at sa halip ay sinabi na "kung kayong dalwa ay kakain sasabihin ko sa inyo kung ano ang pangalan". Sandaling nag isip si Simeona at pagkaraang mag isip ay pumayag siyang tikman ang kanilang niluto. Tinikman niya ito at napagka-alaman niyang talaga naman palang masarap ang mga ito. Noon niya napag-alaman na ang pangalan pala ng kanilang kinain ay "Talaba" na ito ay nabubuhay lamang sa abot ng tubig alat at ito ay nakadikit sa mga bato at puno ng Sasa. Ito ay nakukha sa pamamgitan ng pag gamit ng gulok o itak. Kung kaya dito na rin hinango ang pangalan ng nayon sa tawag na Talaba.
Source: Socio-economic profile of Barangay Talaba, Atimonan, Quezon
|